140 épisodes
(22 h 40 min)
Épisodes
S2015 E6 • Day 7: 1st Weeksary
Nag-alala si Yaya Dub nang makita nyang umalis at kumaway sa kanya si Alden habang may kausap sa phone. Akala nya may iba ng nagigiliwan ang Crush nya. Ang kinakausap pla ni Alden yung Riding in Tandem na nagdeliver ng Flowers sa kanya..ang SWEET!
Première diffusion : 23 juillet 2015
S2015 E9 • Day 10: Ang Secret Diary
Nilabas na ni Lola Nidora ang SECRET DIARY..panahon na sana para malaman ng lahat ang reason kung bakit ayaw niyang magkatuluyan sina #YayaDub at #Alden. Mabuti nalang kinuha ng Riding in Tandem. Dahil dito hindi na nya mailalahad kung ano man ang nasa loob ng diary.
Première diffusion : 27 juillet 2015
S2015 E11 • Day 12: The Ransom
Tinawagan ulit si Lola Nidora ng Misteryosong Caller at pinapatubos sa kanya ung Secret Diary ng P50 Milyon Pesos. Kaya nag-isip sya ng paraan na ipatubos din nya si #YayaDub kay #Alden ng P51,500,000 pesos... yung tira para daw sa kanya at sa pagpa-check up ng tenga nya.
Première diffusion : 29 juillet 2015
S2015 E12 • Day 13: 2nd Weeksary
Ang pangalawang linggo ng pag-iibigan nila #YayaDub at #Alden. Ito ang araw na kailangang matubos ni Alden ang kanyang Prinsesa kaya lng sya naman ang napahamak..may biglang nagdukot sa kanya. Hanggang ngaun hindi alam kong sino ang nasa likod o mastermind ng pagdukot sa kanya. Pwedeng si Lola Nidora? Abangan nlang natin... sino kaya?
Première diffusion : 30 juillet 2015
S2015 E13 • Day 14: HELP!!!
Nalungkot si #YayaDub sa nangyari kay #Alden at parang hindi nya nakakayanan na hindi nakikita ang Prince Charming nya. On the other hand, may good news naman kasi malalaman na kung sino ang nasa likod ng pagpapadukot kay Alden. Nahuli mismo sa bibig ni Lola Nidora..sinabihan nya ung mga body guards nya na sina Rogelio 1, Rogelio 2, Rogelio 3, at Rogelio 4..kung bakit raw nakatakas si Alden. Naniniwala rin ba kayo na sya nga?
Première diffusion : 31 juillet 2015
S2015 E15 • Day 16: Hello, Doktora! Nakatakas si Lola! Run, AlDub, Run!
Habang nasa kulungan si Lola Nidora, dumating naman ang kanyang apo na si Doktora The Explorer galing AFRICA kasi tinawagan sya para daw tubusin nya ang kanyang Lola. Naging masaya ngaun sina Yaya Dub at Alden dahil wala na ung humaadlang sa pag-ibig nila. Subalit, may biglang dumating na balita na nakatakas raw si Lola Nidora sa kulungan kaya inutusan ni Doktora sila Rogelio1, Rogelio2, Rogelio3, at Rogelio4 na salubungin ang kanyang Lola at habang sila naman na dalawa ni Yaya Dub ay aallis para hanapin si Alden.. Ano kaya ang mangyayari? Magkikita na kya silang dalawa? Abangan natin...
Première diffusion : 3 août 2015
S2015 E16 • Day 17: Disguise Pa More, Lola Aunor!
Kahit bumalik na si Lola Nidora, hinding hindi pa rin nagpapatinag ang pag-iibigan nina Yaya Dub at Alden. Subalit, after na tinawagan si Lola, sinabihan nya si Yaya Dub na "Tapos na ang maliligayang araw mo!" Ano kaya ang sinabi kay Lola Nidora ng taong nakausap nya sa Phone? Abangan po natin bukas...
Première diffusion : 4 août 2015
S2015 E17 • Day 18: The Fixed Marriage #YaKie
Ito ang araw na nagulat ang lahat na biglang pumasok ang apo ni Lola Nidora na si Frankie. Sya ang gustong ipakasal kay Yaya Dub pero tutol na tutol si Alden at hindi sya papayag na mawala sa kanya ang kanyang nag-iisang on-screen SWEETHEART!
Première diffusion : 5 août 2015
S2015 E18 • Day 19: 3rd Weeksary: The Engagement
Ito ang pangatlong linggo ng pagmamahalan nila Yaya Dub at Alden kaya lang naging araw ng Engagement Day para kay Yaya at Frankie dahil sa pinilit ni Lola Nidora na ipakasal sya sa kanyang apo para maibalik sa kanya ung Secret Diary. Ibibigay sa kanya ni Frankie ung pangtubos na P51 Milyon pesos kapalit ng pagpapakasal nya kay Yaya Dub sa Sabado. Matutuloy na kayang magkakahiwalay silang dalawa ni Alden?
Première diffusion : 6 août 2015
S2015 E19 • Day 20: The Runaway Bride
Isang araw nalang ikakasal na sila Yaya Dub at Frankie. Di mapigilan ni Alden na malungkot sa nalaman nya na bukas na ang kasal. Di nya matatanggap kaya gagawa sya ng paraan para hindi matuloy ang nasabing kasalan. Ang good news ay nakatakbo si Yaya Dub kaya lang hindi natin alam kung naabutan sya nina Rogelio 1, Regelio 2, Rogelio 3, and Rogelio 4. Ano kaya ang mangyayari kapag natuloy ang kasal bukas? Sana hindi...
Première diffusion : 7 août 2015
S2015 E20 • Day 21: The Wedding Crasher
Ang araw ng kasal nila Frankie at Yaya Dub at ito rin sana ang araw ng unang pagkikita nilang dalawa ni Alden. Dahil sa gustong pigilan ni Alden ang kasal, pinuntahan nya ito at unfortunately hindi nya naabutan ang kanyang Prinsesa dahil sya ay nahimatay habang nasa seremonya ng kasal at dinala sa hospital. Ano kaya ang mangyayari sa Lunes? Matutuloy pa rin ba ang kasal o sadyang ang Tadhana na ang nagpapatunay na hindi sila karapat dapat ni Frankie na magkatuluyan. Abangan po natin...
Première diffusion : 8 août 2015
S2015 E21 • Day 22: AlDub You!
Dahil sa sobrang namimiss na ni Alden si Yaya Dub at gusto nya itong makita, pumunta sya sa barangay at nag aasa na makita nya ang minamahal nya. Subalit ang nkita nya ay si Frankie..ang lalaki na pilit na inaagaw sa kanya si Yaya Dub. Kaya kahit anong mangyari sa kanya dun, patuloy pa rin nyang pinalalaban ang pag iibigan nilang dalawa.
Première diffusion : 10 août 2015
S2015 E22 • Day 23: Sulat Pa More para Kilig Pa More
After two days na hindi natin nakita si Yaya Dub dahil sa kanyang naramdaman sa kalagitnaan ng kasal nilang dalawa ni Frankie. Ito ngaun malakas at masaya na sya kasi may posibilidad na bukas na ang 'Tamang Panahon' para magkita silang dalawa ng kanyang minamahal na si Alden.
Première diffusion : 11 août 2015
S2015 E23 • Day 24: Sa Tamang Panahon
Masayang masaya si Alden sa araw na ito kasi nag-aasa syang magkikita na silang dalawa ni Yaya Dub. Inaabangan nya ito hanggang dumating ung moment na hinanap nya ito sa loob but hindi pa rin nya nakita ang kanyang Prinsesa at nalaman nalang nya na paalis na si Yaya Dub..Kaya hinabol nya ito hanggang sa labas ng Broadway. Unfortunately, hindi pa talaga ito ang 'TAMANG PANAHON' para magkita silang dalawa. Kailangan ni Alden na magsakripisyo muna at malampasan ang lahat na pagsubok na binibigay sa kanya ni Lola Nidora.
Première diffusion : 12 août 2015
S2015 E24 • Day 25: 4th Kwek-KwekSary
Patuloy na namimiss nilang dalawa ang isat isa at nasasabik na si Alden na makita si Yaya Dub in person kaya lang ang Tadhana talaga ang pumigil at ang nakakaalam kung kailan ang Tamang Panahon na pwede na silang magkita. Ito ang araw na nagalit din at nagselos si Yaya Dub kay Alden kasi ang akala nya mayroon nang ibang nililigawan ang taong mahal nya. Nang nakita nyang picture lng pla nya ang ka-date ni Alden, biglang bumalik ang matamis at ang kinikilig niyang ngiti. Ito rin ang ang araw ng kanilang FOURTH-WEEKSARY!
Première diffusion : 13 août 2015
S2015 E25 • Day 26: Don Franing
Dumating ang Lolo ni Frankie para iparating kay Lola Nidora na kailangang ipagpatuloy ang naudlot na kasalan ng kanyang apo at ni Yaya Dub. Kaya hinahamon ni Lola si Alden kung malalampasan nya ang mga pagsubok na ibibigay sa kanya at ang pagsubok na un ay nakalagay sa isang box. Ano kaya ang laman at ang magging hamon na gagawin ni Alden para maipaglaban nya ang kanilang pagmamahalan ni Yaya Dub?
Première diffusion : 14 août 2015
S2015 E27 • Day 28: Only You asawa ni Only Yaa
Pinarusahan nina Lola Nidora at Frankie Arinoli ang mga Rogelio dahil nagawa ni Alden na takbuhin ang Broadway hanggang EDSA ng 17 minutes, nagpadala si Alden ng chicharon sa parating high blood na si Lola Nidora, at pinapili ni Lola Nidora si Yaya Dub kung siya o si Alden ang mas mahalaga.
Première diffusion : 17 août 2015
S2015 E30 • Day 31: Ang Huling Habilin ni Lola (5th Weeksary - Isaw Pa More!)
Pinadala ni Alden sa riding in tandem ang paboritong pagkain ni Yaya Dub - isaw! Dumating ang guwapong si Dr. Tan-ning. Nagselos si Alden dahil sweet si Yaya kay Doc. May tanning na ang buhay ni Lola. Hanggang 2:30 pm na lang siya mabubuhay sa Sabado. Ang huling hiling niya kay Yaya, pakasalan si Frankie. Matuloy kaya ang YaKie wedding?
Première diffusion : 20 août 2015
S2015 E31 • Day 32: Paano na ang Forever?
Dahil may taning na ang buhay ni Lola Nidora, hihilingin nito kay Alden na pagbigyan na siya sa kanyang kagustuhang maikasal si Yaya Dub kay Frankie. Pagbibigyan kaya ni Alden ang hiling ng matanda, o ipaglalaban pa rin niya ang pagmamahalan nila ni Yaya Dub?
Première diffusion : 20 août 2015
S2015 E32 • Day 33: Ang Katotohanan
Bago nag-exchange ng I do's sina Yaya Dub at Frankie, ginawa lahat ni Alden upang pigilan ang kasal. Pero bantay sarado ang mga Rogelio. Natuloy ang YaKie wedding at may dumating na mga pulis. Peke pala ang pastor na nagkasal sa dalawa. Arestado si Father, kaya tuloy ang forever!
Première diffusion : 22 août 2015
S2015 E33 • Day 34: Happy AlDub Forever!
Sumayaw sa tuwa sina Alden at Yaya Dub dahil tuloy ang kanilang forever! Nagpaalam naman si Frankie kay Yaya Dub. Babalik na raw siya sa Italy with a broken heart. May mystery caller si Lola Nidora na tila nanggigipit sa kanya. Abangan ang pagpapatuloy ng kalye-serye mamaya sa Eat Bulaga.
Première diffusion : 24 août 2015
S2015 E34 • Day 35: Pabebe Twins
Dumating ang riding in tandem bitbit ang candy na pasalubong ni Alden kay Yaya Dub. Dumating din ang twin ni Lola Nidora, si Lola Tidora! At si Lola Tidora may bitbit din, ang mga Bernardo. Sina Lola Nidora at Tidora pala ang original Pabebe twins. Ang twin ni Lola Nidora, may sikretong ibubunyag tungkol sa kanya.
Première diffusion : 25 août 2015
S2015 E36 • Day 37: Pili at Pillow (6th Weeksary)
Ingat na ingat si Lola Nidora na hindi malaman ni Yaya Dub ang kanyang lihim. Pinasalubungan ni Alden si Lola ng isang basket ng pili nuts. Pink hat naman para kay Yaya. Nag-celebrate ng weeksary ang AlDub. Na-miss daw nila ang isa't isa. How sweet! Ayon kay Jose, nahanap na raw si Lola Tinidora. Ang pangatlo sa Pabebe triplets na tunay na ina ni Yaya Dub.
Première diffusion : 27 août 2015
S2015 E37 • Day 38: Kalye's Angels
Sa wakas, dumating na rin ang pangatlo sa Pabebe triplets, si Tinidora. At kasama niya ang Quando, Quando, Quando. Ngunit meron siyang malaking rebelasyon! Hindi raw niya anak si Yaya Dub. Ang tunay na ina ni Yaya ay ang pang-apat nilang kapatid. Ang Kalye's angels, hindi lang tatlo. Apat pala!
Première diffusion : 28 août 2015
S2015 E38 • Day 39: Two points!
Hinamon ni Lola Nidora si Alden na kunin ang tatlong lalagyan ng sili sa loob ng limang minuto na hinagis niya sa swimming pool. Ang binata hindi nag-atubili na sisirin ang mga ito para kay Yaya Dub. Sa huli, nagtagumpay si Alden at naka-two points na sa scoreboard. Samantala, may ibubunyag na sikteto si Lola Tinidora ngayong Lunes. Matuloy kaya ito?
Première diffusion : 29 août 2015
S2015 E42 • Day 43: Love lock! (7th Weeksary)
Excited na ang lahat sa Bulaga Pa More kung saan maglalaban sina Alden at Yaya Dub. Ang mga Rogelio nagsimula nang mag-rehearse. Si Yaya Dub nakatanggap ng chocolates mula sa Pambansang Bae. At si Lola Nidora tila kinilig din kay Alden. Going strong ang AlDub! Pero ngayong araw na ito, nag-LQ ang dalawa!
Première diffusion : 3 septembre 2015
S2015 E44 • Day 45: The First Time
Ang pinakahihintay ng lahat ay nangyari na. Sina Alden at Yaya Dub nagkita na ngunit na-disappoint si Lola Nidora dahil nilabag nila ang isa sa mga kundisyon nito. Napaluha ang AlDub. At nang utusan ni Lola na kunin na ng mga Rogelio si Yaya Dub at isakay sa van, may mga kalalakihang dumampot sa kanya!
Première diffusion : 5 septembre 2015
S2015 E45 • Day 46: Finding Yaya!
Nagbalik-tanaw sina Lola Nidora at Tinidora sa unang pagkikita nina Alden Richards at Yaya Dub sa Eat Bulaga noong Sabado (Sept. 5). Dahil sinuway nina Alden at Yaya si Lola, binura nito ang two points ng Pambansang Bae. Start from scratch daw ulit si Alden. Samantala, nawawala pa rin si Yaya Dub. Sino kaya ang dumukot sa kanya?
Première diffusion : 6 septembre 2015
S2015 E46 • Day 47: Wall Post
Nawawala pa rin si Yaya Dub. Si Lola Nidora sinisisi ang mga Rogelio dahil na-kidnap si Yaya. Kaya nag-recruit siya ng mga bodyguards mula sa mga Cuando ni Tinidora. Sino ang pumasa? Samantala, si Yaya Dub nagsulat sa dingding ng message para kina Lola Nidora at Alden. Humihingi ng saklolo. Pakakawalan na raw siya ng mga kidnappers sa isang kundisyon.
Première diffusion : 8 septembre 2015
S2015 E47 • Day 48: Missing Yaya
Patuloy pa rin ang paghahanap nina Lola Nidora, Tinidora, at Alden kay Yaya Dub. Nagkalat na sila ng posters sa lansangan at nag-post sa social media ng panawagan for the missing Yaya Dub. Tumawag din ang mysterious caller ni Lola Nidora. Sinabi niyang nasa Broadway raw si Yaya. Nabuhayan ng pag-asa si Alden at hinanap si Yaya. Ngunit sadyang pilyo si caller. Wala naman pala roon si Yaya. Paano na ang weeksary ngayong araw na ito?
Première diffusion : 9 septembre 2015
S2015 E48 • Day 49: 8th Weeksary
Malungkot ang weeksary ng AlDub dahil hindi sila nagkita kahit sa split-screen. Si Lola Nidora, nagkakasakit na sa pag-aalala. Nabuhayan ng pag-asa sina Lola Nidora at Tinidora dahil natunton nila ang lugar kung saan itinago si Yaya Dub. Ngunit pagdating nila rito, wala na si Yaya. Nakatakas siya sa kamay ng mga kidnapper! Ngunit ang Pambansang Bae naman ang dinukot ng mystery caller. Magkikita pa ba ang AlDub?
Première diffusion : 15 septembre 2015
S2015 E49 • Day 50: Finding AlDub
Pagod na pagod na si Lola Nidora sa paghahanap kay Yaya Dub, pati ang mga Rogelio, puyat! Hindi lang sila ang naghahanap kay Yaya, buong mundo tumutulong para siya matagpuan. San nga ba napadpad si Yaya? Si Alden naman, patuloy na pinahihirapan ng mga kidnappers. But wait, there’s more, naabutan si Yaya ng kidnappers. Sino nga ba ang mastermind ng mga kidnappers? Magkikita pa ba ang AlDub? May forever ba para kay Alden at Yaya Dub?
Première diffusion : 11 septembre 2015
S2015 E50 • Day 51: The Abduction
Nakilala na ng bayan ang kumidnap kina Alden at Yaya Dub. Si Duhrizz pala ang nagpadukot sa dalawa dahil sa selos. Muling nagkita ang AlDub at nagkabanggaan pa! Ngunit pinaghiwalay pa rin sila ni Duhrizz . Buti na lang dumating sina Tidora at Tinidora, ang SWAT (Sisters with Attitude). Kinumbinse nila si Duhrizz na pakawalan na si Yaya Dub. Nagsisi rin si Duhrizz sa bandang huli at humingi ng tawad kay Yaya. Ngunit ang happy ending napalitan ng masamang balita - may nangyari raw kay Lola Nidora!
Première diffusion : 12 septembre 2015




















































