261 épisodes
(15 h)
Épisodes
S2016 E1 • Day 141: Knock! Knock! Pasok Ka Sa Puso Ko!
Wala pa ring bahay ang mga Lola kaya sa kalye nila sinalubong ang Bagong Taon. Kilig na kilig naman si Yaya Dub nang makita ulit ang kanyang Bae sa unang araw ng taon. Ikinuwento ni Lola Nidora na may sorpresa si Yaya para sa birthday ni Alden ngunit hindi sapat ang pera na pambili nito. Upang malutas ang kanilang problema, inanyayahan ni Dabarkad Allan sina Yaya at mga Lola na sumali sa ‘Bulagaan’ dahil PHP 10,000.00 ang papremyo. Game na game sina Alden at Yaya Dub pati ang mga Lolas na sumabak sa ‘Bulagaan.’
Première diffusion : 1 janvier 2016
S2016 E2 • Day 142: Happy Bae Day Alden!
Isang espesyal na episode ang pinalabas dahil 24th birthday ni Alden Richards. Naghanda ang katambal nyang si Maine ng tatlong sorpresa. Dumating din ang mga kaibigan at kapamilya ni Alden upang magbigay ng mensahe para sa birthday boy. Bumisita pa si Daddy Bae! Ayon kay Lola Nidora, gusto niya raw makilala ang kaniyang balae. Pinakilala na rin ni Alden si Maine kay Daddy Bae; ayan at nagmano pa siya. Kanina pa pinipigilan ni Alden ang kaniyang mga luha ngunit nang magbigay ito ng mensahe, bumuhos ang mga luha mula sa kaniyang mata. Pinasalamatan niya ang lahat ng mga sumusuporta sa kaniya at inalala rin ang kaniyang yumaong ina.
Première diffusion : 2 janvier 2016
S2016 E6 • Day 146: 25th Weeksary Dubai Pa More!
Hello Alden? Este... Hello Jhake? Ay! Alden pala! Papalit-palit ng mga caller at paulit-ulit na napuputol ang linya. Is this a sign o nagkataon lang? Basta isa lang ang malinaw, hindi patas ang pagkakahati ng hektarya ng lupa ayon kay Lola Tinidora.
Première diffusion : 7 janvier 2016
S2016 E7 • Day 147: Trust
Naglalaba sina Yaya at mga lola para makadagdag sa ipon nila at para makalimutan ang pagod, nagkunwari silang nasa beauty pageant. Dahil busy, hindi napansin ni Yaya na tumatawag na pala si Jake pati na rin si Alden. Pinagtatanggol ni Lola si Yaya mula sa mga humuhusga sa kanya dahil sa sitwasyon kina Alden at Jake. Samantala, may sulat na natanggap si Lola Nidora galing barangay. Ano kaya ang sinasabi nito?
Première diffusion : 8 janvier 2016
S2016 E11 • Day 151: Alden is back!
Sa pagbabalik ni Alden sa kalye-serye, sinuportahan niya si Yaya sa paghahanda nito sa pagsali sa Miss Barangay. Pero siyempre, hindi pa rin maiiwasan ang pagpapakilig ng dalawa kahit pa abala sila sa pagpra-practice sa Q&A portion para sa kumpetisyon.
Première diffusion : 13 janvier 2016
S2016 E19 • Day 159: Ang Secret Diary
Muling inilabas ni Lola Nidora ang Secret Diary dahil naalala niya ang mga lalaking nagpatibok ng kanyang puso, lalo na si Anselmo--ang kanyang "The One That Got Away"... At dahil mukhang malungkot si Lola Nidora, sinubukan siyang pasayahin nina Alden at Yaya Dub pero mukhang nauwi sa tampuhan ang dalawa nang biglang tumawag si Jake!
Première diffusion : 22 janvier 2016
S2016 E24 • Day 164: Isaw at Hopia (28th Weeksary)
Sa pagpapatuloy ng kuwento ng love story nina Nidora at Anselmo, ipinakita kung gaano nila kamahal ng isa't isa at kung paano nahilig sa isaw si Lola. Sa kasalukuyang panahon naman, ano kaya ang sorpresa ni Alden kay Yaya sa kanilang 28th weeksary?
Première diffusion : 28 janvier 2016
S2016 E46 • Day 186: Akyat Bahay Fashion Collection
Hinahanap ng mga Lola ang nawawalang pahina ng diary. At nangangailangan ng tulong si Divina sa kanyang project sa Strategic... Strategic Marke---Kailangan ng tulong ni Divina sa school project na may kinalaman sa fashion. Makatulong kaya sina Lola at Alden?
Première diffusion : 23 février 2016




















































